Stupid bullying bill

SI Ginoong Juan Edgardo Angara na kinatawan sa Congress ng Aurora province ay may panukalang batas na nagbabawal sa lahat ng mga “bully” sa mga paaralan.

Katawa-tawa ang panukalang batas na ito dahil ipinagbabawal nito ang bullying pero wala namang  kaukulang parusa, kulong man o multa.

Ano ba ang ibig sabihin ng bully ayon sa computer?

To bully is to intimidate, terrorize, prosecute, torment, frighten, oppress, browbeat and harass.

Mahirap isa-Tagalog ang mga salitang iyan pero sa simpleng pananalita, ito ay pananakot na kadalasan ay may ka akibat na pananakit.

Ngunit sa House Bill No.  5248 ni Juan Angara, ang salitang “bully” ay lalong pinalawig pa.

Sa unang panukala ni Rep. Angara, bullying  includes the acts of  unwanted physical contact like “pushing, punching, shoving, kicking, slapping, tickling, headlocks, school pranks, teasing, fighting and the use of available objects as weapons, spreading malicious rumors, keeping the victim out of a group, getting certain people to gang up on the victim, ignoring the victim on purpose, whispering to another in front of someone, keeping secrets from a so-called friend,  eye rolling, silent but hurtful body motions such as pointing or any act that causes harassment or provocation, directing foul language at the victim, name calling, tormenting and commenting negatively on someone’s looks, body and clothes.”

Mabuti na lang, nagdalawang isip si Rep. Angara. Pinatanggal niya ang mga salitang  “eye rolling” at “keeping secrets from a so-called friend” bilang bahagi ng bullying to prevent Congress from becoming a “laughingstock.”

Talagang pagtatawanan kayo, sir, ng mga kasama ninyong mambabatas.

Mabuti pa ,sir, mag-isip na lang kayo ng mas kapakipaki-nabang na mga batas at nang di masayang ang pera ng mga taxpayer natin.

Baka OA (overacting) ka na masyado, Cong. Biro naman ninyo, magiging “krimen” na sa paaralan ang pagtsitsismisan, pagpipintas, pagbubulong, pagsiwalat ng mga sikreto, pagbibilog ng mata at magkomento tungkol sa damit ng kapwa estudyante.

Ingat lang, congressman. Dahil diyan, baka matawag pang stupid Angara law ang inyong panukala,  katulad ng stupid Lina law na akda ni dating Senador Joey Lina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply