Substandard products winasak ng LGU, DTI

PINANGUNAHAN ng Department of Trade and Industry at Rizal Provincial Government ang pagwasak sa kinumpiskang substandard goods at products na nagkakalahaga ng P400,000.00 dahil walang Philippine Standard Mark (PS Mark) ng Import Commodity Clearance.

Mismong si Rizal Governor Casimiro “Jun” Ynares kasama ang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice-Gov. Frisco San Juan, Jr., DTI-Calabarzon director Marilou Quinco-Toledo at DTI-Rizal director Mercedes Parreño ang pagwasak sa substandard goods sa paglabag ng Department Administrative Order (DAO) 2, series 2007.

Nangangamba sina Ynares at ang DTI na ang naturang mga produkto ay makapagdulot ng pinsala o sunog gaya nang substandard Christmas lights, electrical tapes at wires, lighters at flexible cords na kinuha mula sa ilang business  establishments.

Ayon sa local Trade Department, ang pagkumpiska ay resulta ng regular na pagmomonitor ng DTI sa produkto na may mandatory certification.

Sinabi ni DTI-Rizal director Parreño na nagsampa na sila ng formal charges at hearing sa mga may-ari ng substandard products at sinampahan ng penalty na mula P42,500 hanggang P152,500, lalo na sa walong establisimyento na nagbebenta ng mga monobloc chair at LPG tanks.

“We are closely coordinating with DTI in order to protect our consumers from traders selling violative products. This will serve as a warning to those who would take advantage at the expense of our innocent consumers,” ani Ynares.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply