Sundalo binoga sa mata, dedo sa Taguig City

PATAY ang isang sundalo matapos na magtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang mata nang barilin ng hindi pa nakilalang salarin kaninang madaling araw sa Taguig City.

Ayon sa report ng dzBB, nakilala ang biktima na si Sgt. Richard Pagatpatan na hinihinalang binaril ng malapitan kung kaya agad napuruhan.

Natagpuan ang bangkay sa Quiapo 2 district, Brgy. Maharlika, Taguig City kasama ang ID card at dokumento sa Armed Forces.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo sa pamamaslang.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply