Sundalo, rebelde todas sa bakbakan sa Sarangani

KAPWA nalagasan ng tig-isa ang tropa ng militar at ng New People’s Army sa naganap na engkwentro sa Barangay Datal Bukay, Glan, Sarangani Province, ayon sa ulat ngayon.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang si Private First Class (Pfc) Bienvenido Celebrar, Jr., 23-anyos at isang hindi pa kilalang rebelde.

Ayon sa lider ng 73rd Infantry Battalion (IB) na si Lt. Col. Adolfo Espuelas, naganap ang bakbakan nang magreklamo ang ilang residente na hina-harass umano sila ng mga rebelde sa kanilang lugar.

Naka-enkwentro ng mga sundalo ng 73rd IB ang pinagsanib na puwersa ng Platoon Mazda at Andoy Sentro de Graviedad, isa sa pinakamalakas na pwersa ng mga rebelde.

Nakarekober ng militar ang high-powered firearms, explosives at mga subersibong dokumento matapos ang insidente.

Bibigyan ng military honors ang namatay na sundalo.

Nasa maayos na kondisyon naman ang 21 pamilyang naapektuhan ng engkwentro.

Patuloy ang isinasagawang close air-support ng militar sa tropa nito sa Sarangani.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply