Sunog! Sunooooog!!!!!

NAPAPANSIN ba ninyo na panay-panay ang sunog ngayon?

Hindi lang yan.

Marami pa sa mga nasusunog na lugar ang may kakambal na higit na kamalasan.

Nalilitson nang buhay ang mga may-ari o nakatira sa mga bahay at gusaling nasusunog.

Masahol pa sa kasabihang “manakawan ka na ng 10 beses huwag ka lang masunugan” ang nagaganap.

Kasi naman, kakambal ng pag-abo ng mga ari-arian ang pangungutang ng buhay ng sunog.

Labis na nakalulungkot ang nangyayari.

oOo

Iniimbestigahan pa lang ang nakararaming mga sunog, lalo na ang mga may insurance.

Pero anoman ang resulta ng mga imbestigasyon, dapat lang na umaksyon tayong lahat laban sa sunog.

Tingnan natin ang  ginagamit nating de kuryente, maging ang mga kusina o gamit natin kung may brownout.

Baka naman mali ang mga pagkakabit natin o pawang mga mahihina at pekeng klase ang mga nabibili at gamit natin.

Bantayan  din  natin  ang mga  magnanakaw  ng  kuryente na dahilan ng brawn-awt o sunog na nagmumula mismo sa mga linya ng kuryente.

Mahalagang buhayin ang mga fire brigade sa mga barangay lalo’t siyam-siyam bago dumating ang mga bumbero dahil sa trapik o kainutilan mismo ng mga ito.

oOo

Naalaala tuloy natin, Suki, ang nangyari sa pamatay-sunog na proyekto ng isang barangay sa Maynila.

Akalain ba nating pinagnanakaw ng mga residenteng kawatan ang mga nailagay na tubo na ikinonekta sa fire hydrant.

Wala namang pakialam ang bagong pamunuan ng barangay sa nasabing nakawan.

Ngayon ay sinasabi ng mga nasa barangay na dapat laging handa ang mga residente laban sa sunog.

Ano ba yan, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply