Supermarket owners pupulungin ng DTI

PUPULUNGIN sa Huwebes (Oktubre 6) ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga may-ari ng supermarket at iba pang stake holder hinggil sa napipinto pang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel.

Ayon sa presidente ng Philippine Amalgamated Supermarket Association (Pasa) na si Steven Cua, miyembro rin ng National Price Coordinating Council ng DTI, pag-uusapan sa pulong ang epekto ng pananalasa ng mga bagyo sa mga pangunahing bilihin at ang inaasahang pagtaas ng presyo ng mga panghanda sa darating na Kapaskuhan.

Inaasahang dadalo rin sa pulong ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH), Department of Justice (DOJ), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang concerned agency.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply