Suplay ng bigas muling tiniyak na sapat ng DA

MULING tiniyak ng Department of Agriculture sa publiko na sapat pa ang suplay ng bigas hanggang sa matapos ang taon sa kabila ng naidulot na pinsala ng bagyo Pedring” (Nesat) at “Quiel” (Nalgae) sa agrikultura, partikular na sa pananim.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup, ibinatay ang kanilang ulat sa record ng ahesnya kung saan tinataya nilang sapat pa ang suplay ng bigas na tatagal ng hanggang 75  araw.

Kabilang sa nakaimbak ay kinabibilangan ng stock ng National Food Authority (NFA) na tatagal pa ng 32 araw sa pribadong sektor at 80 hanggang 85 araw sa mga kabahayan.

Ipinaliwanag ni Salacup na nakuwenta na nila ang mga kinakailangang requirement sa produksiyon ng bigas simula ng taong ito kahit may kalamidad.

Dagdag pa ni Salacup, na aalamin pa ng DA ang pinsalang inabot na dala ng dalawang bagyo upang malaman ang dapat paghandaan sa suplay sa pagsisimula ng taong 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply