Suplay ng gamot sa Calumpit dinagdagan pa ng DOH

DINAGDAGAN pa ng Department of Health (DOH) ang suplay ng gamot sa Calumpit, Bualcan para sa mga residenteng patuloy na lumulusong sa baha

Ayon kay Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH na patuloy ang serbisyong ibinibigay ng mga medical team sa mga apektadong lugar.

Iminungkahi rin ni Tayag ang paggamit ng garbage boats sa Calumpit upang makulekta ang mga basura at maiwasan ng mga residente ang pagtatapon ng basura kung saan-saan na sumasama sa tubig na tiyak na may masamang epekto sa kalusugan ng mga tao.

Nakabantay na rin ang ahensya ani Tayag, sa posibleng pagtama ng AH1N1 virus na delikado para sa mga buntis at matatandang apektado ng baha.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply