Suplay ng isda sapat — BFAR

HINDI dapat mangamba ang publiko sa suplay ng isda lalo na ang bangus dahil sa pinsala ng nagdaang dalawang bagyo sa mga palaisdaan.

Sinabi ni Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Deputy Director Bernie Tabios,  na sapat ang suplay ng isda sa fishpens at fishponds.

Inihalimbawa ng opisyal na kahit binaha ang mga palaisdaan, mahuhuli pa rin ang mga nakawalang isda.

Sa ngayon aniya, ang problema lamang ay ang transportasyon subalit ito ay pansamantala lamang.

Una rito, nangangamba ang ilang bangus operators sa Pangasinan na baka magkaproblema ang suplay ng bangus lalo na sa Kapaskuhan.

Sa pagtaya ng Department of Agriculture (DA), umaabot sa P192 million ang pinsala na iniwan ng kalamidad sa mga fishpond at fishpen sa Region 3.

Tiniyak na rin ng kagawaran na bibiyan ng tulong tulad ng fingerlings ang operators na napinsala ang kanilang palaisdaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply