Suplay ng kuryente sa Aurora nanumbalik na

NAIBALIK na ngayon ang suplay ng kuryente sa apat na bayan ng lalawigan ng Aurora.

Matatandaan na ilang araw ng putol ang suplay ng kuryente sa nasabing lalawigan matapos na itumba ng hangin ng bagyong Pedring at Quiel ang mga poste ng kuryente doon.

Hindi rin mapasok ang mga bayan ng lalawigan dahil winasak rin ng dalawang bagyo ang mga tulay.

Gumamit ng alternatibong daan ang mga kinauukulan kaya napasok nila ang mga bayan ng lalawigan.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply