Supplier ng aspalto sinisiraan ang DPWH

WALANG katotohanan umano ang mga sinasabi ng supplier ng aspalto sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kasalanan ng ahensya kung kaya nabakbak ang mga aspalto na ginamit sa Buendia Flyover.

Sinabi ng DPWH na pinagkakalat ng Pacific Concrete Aggregates na hindi ang kanilang aspalto ang may diperensya kaya ito hindi dumidikit sa overlay ng tulay kundi ang FRP resins na ginamit ng ahensya na hindi akma sa ganitong proyekto.

Ayon sa DPWH ang FRP ay hindi iyon ginamit sa overlay ng kongkreto na tatapalan ng aspalto kaya’t wala itong kinalaman sa pagkabakbak ng aspalto.

Sa isinagawang coring test ng DPWH sa mga sapalto, natuklasan na bagsak ang aspalto na sinuplly ng Pacific sa proyekto sa content requirement at bagsak din sa grade requirement.

Tinanggal na ng DPWH ang mga tauhan nito na nag-apruba sa samples ng aspalto na iprinisinta ng Pacific sa bidding dahil ang idiniliber ng kumpanya ay kakaiba kaysa sa isinumite nito para sa pag-apruba ng delivery nito.

Kinansela na rin ng DPWH ang akreditasyon ng Tokwing Construction sa kabila ng pag-ulit nito sa asphalt overlay sa Buendia Flyover sa sariling gastos. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply