Surigao City, Misamis Oriental binaha na

BINAHA na ang ilang daan sa Surigao City at Misamis Oriental sa papalakas na pananalasa ng Signal Number 2 na Bagyong Ramon.

Kanina ay nagsagawa na ng Emergency Meeting ang City Disaster Risk Reduction Management  Council sa pangunguna ni Vice Mayor Danilo Menor na agad idineklara ang pagsuspinde sa mga klase sa pampublikong paaralan.

Nagpasa na rin ng resolusyon sa pagpapalabas ng P1 milyon bilang gagamiting pondo sa paghahanda sa bagyo.

Samantala, ang Surigao del Norte Disaster Risk Management Council ay nagpulong din sa pamumuno ni Board Member Mamerto Galanida para sa agarang paglilikas sa mga residenteng nasa mapanganib na lugar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply