Surigao del Sur mayor, 2 pa pinalaya na

TULUYAN nang pinalaya kaninang hapon sina Lingig, Surigao del Sur Mayor Henry Dano kasama ang kanyang military escorts na sina PFC Alan Saban at Corporal Alrey Desamparado mula sa kanilang abductors matapos ang mahigit dalawang buwang pagkakabihag.

Nasa mabuting kalagayan na ang mga bihag matapos ang ilang beses na paghiling ng mga miyembro ng National Democratic Front-Southern Mindanao ang suspensyon ng military at police operations sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Surigao del Sur, Compostela Valley, Davao Oriental at Bukidnon para walang sagabal sa kanilang paglaya.

Noong Agusto 6, 2011 nang pinasok ng mga rebelde ang tahanan ng mayor at dinala ito kasama ang dalawang military escorts pati na ang iilang armas at kagamitan upang harapin umano ng mga ito ang reklamong isinampa ng mga tao sa People’s Court ng New People’s Army.

Matapos ang ilang pagdinig sa kasong kanilang kinakaharap gaya sa pagkakaroon ng private armies, pagkasangkot sa treasure-hunting activities at hindi magandang serbisyo sa kanyang mga constituents para kay Dano, nangako itong susundin ang polisiya ng rebolusyunarong kilusan na siyang dahilan kung kaya’t binigyan siya ng panahong magbago.

Ganito rin ang tyansang ibinigay ng mga rebelde kina Saban at Desamparado na kinasuhan dahil sa paniniktik laban sa rebolusyunaryong kilusan at pagsali sa mga operasyong militar matapos mangakong titigil na sa kahit anong military services ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at babalik na lang sa pagkasibilyan.

Inihayag ng tatlo na kahit mahirap ang araw-araw nilang kabuhayan sa kabundukan, normal naman ang kanilang galaw sa bundok na nakatira at natutulog lang sa mga tents at duyan dahil mayroon naman silang pagkain, lalo na’t tuwing umaga ay mayroon silang ehersisyo at may tinatanggap ding medical attention.

Una nang kinokonsidera ng alkalde na isang reflection ang dalawang buwang pagtira nila kasama ang mga rebelde dahil nalinis umano ang kanilang sarili mula sa mga asuntong isinampa laban sa kanila na nagbigay naman ng positibong epekto sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply