Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

NILINDOL ang Surigao del Sur kaninang madaling araw.

Sa ulat ng United States Geological Survey (USGS), niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang hilagang silangan ng Surigao del Sur at ang epicenter nito ay natatagpuan sa bayan ng Lingig.

Sa pagtaya naman ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may lalim itong 32 kilometro at tectonic in origin.

Naramdanan din ang intensity 3 na lindol sa lungsod ng Bislig.

Wala namang iniulat na nasaktan o namatay at wala ring napinsala sa mga ari-arian sa nasabing pagyanig. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply