Suspek sa pagtangay ng 2 sports luxury cars ni Bigcas tinutugis

PATULOY na tinutugis ng pulisya ang mga suspek na tumangay sa dalawang mamahaling sports car ng negosyanteng si Lynard Allan Bigcas.

Nabatid na tinangay ang mga sports car matapos itong iwanan ni Bigcas sa isang carwash station sa Brgy. 28 sa lungsod kahapon.

Base sa pahayag ng supervisor ng carwash station na si Vanessa Seno, grupo ng isang Kokoy Dy ang sapilitang kumuha ng nasabing mga sasakyan.

Samantala, hindi pa tuloy ng mga pulis ang motibo sa pag-carnap ng nasabing mga sasakyan ni Bigcas habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Magugunitang naging kontrobersiyal si Bigcas makaraang makumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang 29 na mga luxury vehicles na hindi dumaan umano sa Bureau of Customs (BoC).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply