Suspensyon ng Keppel Shipyard ihinahanda na– Dole

INIHAHANDA na ang pagsuspinde sa operasyon ng Keppel Subic Shipyard sa oras na maisumite ngayong araw sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang report hinggil sa safety and health na ipinadala ng mga inspektor na siyang nagsagawa ng paunang imbestigasyon sa nangyari.

“After the completion of the inspection, immediately we can order a temporary suspension of work. Our inspection continues today and I hope to receive the report by the end of the day,” ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Matatandaan na nagtungo ang ilang opisyal ng Dole sa Zambales upang magsagawa ng imbestiagsyon kaugnany sa naganap na trahedya kung saan namatay ang anim na katao.

Ang mga binawian ng buhay ay nakilalang sina Cris Xander Papna, Jhay Lord Reyes, Glenn Miranda at Ronaldo Bagay, na pawang project employees at Mark San Juan at Ronald Lara, na empleyado naman ng isang subcontractor.

Ang anim pang nasugatan sa aksidente ay kasalukuyan pa ring ginagamot sa ospital sanhi ng mga tinamong sugat at fracture.

Kaugnany nito, nagsagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Singapore-based shipping firm na Keppel Offshore and Marine.

Partikular nilang susuriin ang ipinatutupad na safety standard sa kanilang pagawaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply