Suspensyon ng peace talk ipinanawagan ng minorya

NANAWAGAN ngayon si House Minority Leader Edcel Lagman na suspendihin ang usapang kapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kasabay nito, iginiit pa ni Lagman na dapat tugisin ang mga responsible sa pagkamatay ng 19 sundalo sa naganap na engkuwentro sa Al-Barka, Basilan.

Binigyang diin ni Lagman na dapat may malinaw na aksyon ang pamahalaan sa naturang insidente lalo pa’t malinaw aniya na karahasan ang ginawa ng MILF.

Kasabay nito, naniniwala si Lagman na hindi dapat sinisisi ang mga sundalo sa nangyaring engkuwentro dahil kung tutuusin umano ay nagbuwis pa ng buhay ang mga ito.

Sa kabila nito, nanindigan ngayon ang Armed Forces of The Philippines (AFP) sa kanilang posisyon na hindi dapat suspindihin ang tigil-putukan sa pagitan ng militar at ng MILF.

Nilinaw ni Western Mindanao Command Spokesman Lt. Col. Rudolf Cabangbang na walang dahilan upang itigil ang umiiral na ceasefire sa pagitan ng dalawang kampo.

Binigyang diin ni Cabangbang na ilang miyembro lamang ng MILF ang kanilang pakay sa pagkamatay ng mga sundalo sa engkuwentro sa Basilan at hindi aniya ang buong hanay nito.

Sinabi pa ng opisyal na hindi apektado ang moral ng mga sundalo matapos malagasan ang kanilang hanay.

Binigyang diin ni Cabangbang na nagluluksa ang buong AFP sa pagkamatay ng 19 na mga sundalo sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng MILF.

Gayunman, hindi aniya ito hadlang upang panghinaan ng loob ang mga sundalo na gawin ang kanilang trabaho na protektahana ang mga sibilyan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply