Susunod na arsobispo ng Maynila papangalanan na

PAPANGALANAN na ni Pope Benedict XVI ang susunod na magiging arsobispo ng Maynila bago mag-Pasko.

Ito ay bunsod ng nalalapit na pagreretiro ni Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales, ang kasalukuyang arsobispo ng naturang lungsod.

Nabatid na noong 2007 pa isinumite ni Cardinal Rosales ang kaniyang resignation ngunit dinugtungan pa ng Santo Papa ang kanyang termino.

Sinabi ni Rosales na matagal na niyang inaasam ang kanyang retirement.

Samantala, kakaharapin ng sinumang papalit kay Rosales bilang arsobispo ng Maynila ang mga isyu tulad ng Reproductive Health na mariing tinututulan ng Simbahang Katolika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply