Susuri sa libro ng oil companies ‘independent’ dapat– solon

INIREKOMENDA ngayon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na dapat maging “independent” ang pagsusuri sa books of accounts ng mga kumpanya ng langis.

Sinabi ito ni Evardone, chairman ng House committee on public information at miyembro ng House Committee on Energy kasunod ng pahayag ng mga kumpanya ng langis na bubuksan na nila ang libro bilang tugon sa isinusulong na transaparency ng Aquino government.

Aniya, makabubuting kunin ang mga dean ng accountancy ng mga pangunahing unibersidad at colleges sa bansa na siyang rerepaso sa libro ng mga kompanya ng langis.

Ani Evardone layunin nito na huwag ma-impluwensyahan ang imbestigasyon at maiwasan ang manipulasyon dito.

Maituturing din aniyang isang “welcome development” sa panig ng Kamara ang kahandaan ng mga kumpanya ng langis na isapubliko ang kanilang mga libro upang malaman kung may nagaganap na dayaan o sabwatan sa presyuhan ng merkado.

Bukod dito, maganda na rin ang inisyatibo ng oil companies lalo na at matagal na umanong hinihikayat ng gobyerno at mga mambabatas ang mga ito na buksan ang kanila-kanilang mga libro upang mabusisi kung bakit patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa kabila ng mababa ang bentahan nito sa world market.

Nauna nang inihayag ng anim na kumpanya ng langis kabilang ang “big three” na handa na nilang ilantad ang kanilang mga libro bilang tugon sa isinusulong na ‘transparency’ ni Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply