SUV ng barangay: Service ng pamilya ni tserman

HALOS lahat ng barangay sa ika-4 na distrito ng lungsod Quezon ay binigyan ng bagong- bago na Sports Utility Vehicle na sasakyan ni QC 4th District Councilor Bong Suntay, para gawing service ng mga residente.

Maganda ang layuning ito ng konsehal dahil para sa tao ngunit nagagamit nga ba ng  tama ang nasabing mga sasakyan?

O higit na nakikinabang dito ay ang mga barangay official?

Isa sa mga halimbawa rito ay ang Brgy. Sikatuna, kung saan ang nasabing service ng barangay na may plakang  SKE-143 ay ginagamit sa personal na lakad ng tserwoman at kung minsan pa ay ginagawang tagasundo sa dalawang anak nito na nasa private school.

Wala raw magawa rito ang mga barangay kagawad kundi hayaan  na lang ang kanilang  tserwoman na si Anabelle Curachu na gawin ang kanyang gusto.

Pakialamera rin daw ang tserwoman na ito, dahil ayaw niyang may party sa kanyang mga kapitbahay gayung inuumaga naman daw ang  inuman sa kanyang karinderya na sinasabing walang sanitary health permit at license to operate mula sa Quezon City Hall.

At bakit pinapayagan nitong si Tserwoman na mag-operate sa  kanyang barangay ang ilang establishment  na  walang lisensiya lalo na ang mga computer shop na nasa kahabaan ng Anonas Extention?

Ayon sa isa nating source, isang computer shop sa nabanggit na lugar ang may iligal umanong gawain sa loob at ito ay wala ring lisensiya.

At dahil sa mga pinaggagawang ito ni Tserwoman Curachu ay nagpasya ang may-ari ng inuupahang bahay nito na paalisin na lang para sa kapakanan naman ng ibang nangungupahan. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply