SUV ng political adviser ni PNoy nabangga sa QC

WASAK ang sports utility vehicle (SUV) ng political adviser ni Pangulong Benigno Aquino III na si Rolando Llamas matapos na sumalpok sa isang trak sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City kaninang madaling araw.

Hindi pa naman makumpirma kung sakay si Llamas sa isang Montero Mitsubishi na may plakang “6” at may acronym na OPA o Office of Political Affairs pero may isang lalaki na parang si Llamas na nakitang nagtatago at nakahiga sa loob ng sasakyan.

Maya-maya lamang ay isinugod na rin ng mga rumespondeng kalalakihan na sakay ng isang Starex van ang sinasabing misteryosong lalaki sa hindi malamang ospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw sa kabahaan ng Commonwealth Avenue sa Barangay Commonwealth ng nasabing lungsod.

Ayon sa drayber ng trak na si Junnel Tenorio, bago ang insidente ay mabagal na tinatahak niya ang Commonwealth Ave. nang bigla siyang banggain ng sasakyan ni Llamas.

Ayon naman sa isang traffic enforcer ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) nagulantang sila nang may makita sa loob ng SUV na isang assault rifle at bullet proof vest.

Napansin din nila ang isang lalaking itinuturo ng mga residente sa lugar na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Maya-maya lamang dumating na ang naturang Starex van at sinabing may kukunin lang silang mahahalagang dokumento sa loob ng SUV pero nang may makitang media ay bigla rin silang umatras.

Pero ayon sa MMDA, binanggit umano ng mga lalaking dumating kung kanino ang sasakyan at kung anong sangay ng gobyerno ito konektado.

“Secretary daw, kay Llamas,” sambit ni MMDA traffic enforcer Osmunda Ora.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply