Switikan sa sementeryo

NATAGPUAN ba ninyo nang matino sa sementeryo ang puwesto ng inyong mga pumanaw nang mahal sa buhay?

Sa mga pribadong libingan, hindi gaanong problema ito.

Pero sa mga pampubliko, ito’y malaking problema.

Ang pinakamasakit dito ay kung iba na ang ngalan ng nitso na pinaglagakan ng inyong mga mahal sa buhay.

Kung hindi naman ay bukas na at wala nang laman, kahit buto ng inyong mga yumao.

oOo

Kung gusto naman nin-yong pinturahan ang nitso at ipagawa ninyo sa iba, aba, huwag kayong umalis hangga’t hindi natatapos yan.

Sapagkat sisingilan muna kayo ng mga nangongon-trata bago sila magpintura.

Kung ipagkakatiwala ninyo lahat sa mga pintor na nangongontrata ang nitso at aalis kayo, malamang na kung ano ang nasimulan ng mga ito, hanggang doon na lang.

Lumalayas ang mga ito makaraan nilang tanggapin ang halaga ng pintura at labor na pinagkasunduan ninyo.

Pagbalik ninyo, mabubuwisit lang kayo sa mga hit en ran na ito.

Hanapin man ninyo ang mga ito, hindi na ninyo sila makikita at makikilala.

oOo

Gumawa ka ng sementadong upuan sa harapan ng puntod ng inyong minamahal?

Dapat naroon ka sa tamang oras.

Kapag naunahan ka ng iba, ikaw na lang ang tatayo at hindi ang mga walang ginawa kundi mag-antay ng proyekto ng iba.

Unahan lang ang lahat para sa kanila.

Oo nga pala, may presyo ang mga padasal, pamisa at pabasbas.

Iba pa ang mga sobre na ikakalat ng mga asungot ng peke o tunay na pari, pastor at iba pa.

Makaraan nito, hindi mo alam kung naging epektib ba ang mga ipinagdarasal ng mga ito.

Kawawa naman ang mga patay!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply