Syota ni Ram Revilla makatutulong sa kaso

PINANINIWALAANG malaki ang maitutulong sa imbestigasyon ng pulisya ang nobya ng pinaslang na kapatid ni Senator Bong Revilla na si Ram, 22-anyos.

Pero ayon kay Senior Supt. Billy Beltran, hepe ng Paranaque City Police, hihintayin pa nila munang makarekober o gumaling-galing si Janelle Manahan sa kanyang pagkakaratay sa Asian Hospital matapos na baralin sa mukha.

Ipagpapaalam din ni Beltran kay Senator Bong Revilla ang planong pagkuha ng salaysay kay Manahan, ang kasama ni Ram ng barilin ng dalawang armadong lalaii nitong Biyernes (Oktubre 28) sa kanilang bahay sa BF Homes, Paranaque City.

Ayon pa kay Beltran, una na nilang isinailalim sa interogasyon at pagtatanong ang dalawang security guard na nakatalaga sa subdivision para pigain kung may maiiaambag o may nalalaman sa insidente.

Ikinasa na rin ang pagtatanong sa tatlong kasambahay ni Ram na nakikilalang sina Rosalyn Almaher, Freddie Roman at Nelia Orosa upang makapagbigay din ng linaw kung kakilala nila o nakita nila kung ano ang itsura ng mga salarin.

Isinama rin nilang imbestigahan ang production assistant ng biktima at kapatid ni Ram na si Ramona Revilla, dahil tinangay ito ng mga suspek sa kanilang pagtakas at binaba lamang sa madilim na bahagi na malapit sa Star Mall, Las Pinas.

Base naman sa salaysay ni Ramona, dalawang lalaki ang pumasok sa kuwarto ng kapatid at narinig niyang nagtatalo hanggang sa makarinig na lamang ito ng putok ng baril at ang kasunod ay tinangay siya ng mga salarin sa kaniang pagtakas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply