Tadong bumbero ng Makati isinusuka sa Laguna

SINO itong ‘tadong’ bumbero raw ng Makati Fire Department na isinusuka ng mga kapitbahay nito dahil pag nalalasing ang kupal ay nagpapaputok daw ng kanyang kalibre .45 sa kanilang lugar sa Sta. Rosa, Laguna?

Marami raw ang natatakot na tao sa mamang bumbero na ito dahil lagi nitong ipinagmamayabang  ang kanyang kalibre .45 na nakasukbit sa kanyang baywang.

Ang tinutukoy  na bumbero ay si Greg Atienza na nakatira raw sa Purok 1, Ilaya Sinalda, Sta. Rosa, Laguna.

Basahin natin ang nilalaman ng mga reklamo sa text message.

Gud evening Kuya Johnny, pasensya na sa abala. Matagal na ring may atraso sa akin ‘yung isusumbong ko sa iyo na ‘di ko pinapatulan.

Lagi  kasing nagpapaputok ng kanyang baril pag nalalasing ang mamang ito. Noong nakaraan lang ay muntik na siyang makabaril ng tao.

Takot nga ang mga tao rito kasi nga lagi nitong ipinagmamayabang ang baril niyang .45 na
lagi niyang hawak. Sobrang abusado.

Nagreklamo na kami sa pulis kaso di kami iniintindi. Kaya sa inyo na kami lumalapit.

Natatakot kami na baka minsan ay may tamaan ng ligaw na bala.

Bumbero siya ng Makati.

Ang name niya ay Gregorio Atienza. Nakatira siya sa Purok 1, Ilaya Sinalda, Sta. Rosa, Laguna.

Maraming salamat.

TONG-COLLECTOR FOREVER

Ibang klase palang pulis itong si SPO2 Osias ng CIDG-Cavite Sector.

Walang ginagawa ang mamang ito kundi ang mangolekta ng I.N.T. (inteliensiya) sa mga iligal na pasugalan sa buong Cavite.

Mantakin ninyo, binibili pala ng mamang pulis na ito ang puwestong para sa tong-collector sa sinomang mauupong opisyal ng CIDG-Cavite Sector. Kaya kahit sinong maupo ay siya ang tong-collector.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply