Taiwanese, nailigtas; 5 kidnaper patay

NAILIGTAS ng awtoridad ang isang Taiwanese trader kasabay ng pagkakapatay sa limang dumukot sa huli sa hostage rescue operation sa Bulacan.

Kinilala ang nasagip na biktima na si Ying Ching Chang, 29, isa sa may-ari ng garments factory sa Valenzuela City.

Ayon sa ulat na ipinarating ni Chief Supt Isagani Nerez, pinuno ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) kay PNP chief, Director General Nicanor Bartolome, napatay ang limang kidnapper matapos ang shootout sa pinagsanib na pwersa ng PACER, Special Action Force, Highway Patrol Group, Police Regional Office 3 at NCRPO kahapon.

“This particular successful operation is the result of a well coordinated action with other law enforcement agencies and community support thru the Barangay Peace-keeping Action Teams that provided vital information,” saad ni Bartolome.

Si Ying ay nailigtas sa safehouse sa Brgy Bigte, Norzagaray, Bulacan, dakong alas-2:10 ng madaling-araw.

Narekober ng mga awtoridad ang P210,000.00 na ransom na ibinayad ng pamilya ng biktima.

Nabatid na dalawa sa mga kidnapper ang napatay sa mismong safehouse habang ang tatlo ay naharang sa PNP-AFP checkpoint sa Barangay Minuya.

Si Ying ay dinukot noong Oktubre 12 at nakipag-negosasyon ang mga kidnapper sa pamilya nito para sa ransom.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply