Takot at pangamba sa mga rebelde

ANO pa ba ang hinihintay ng ating gobyerno?

Ano naman ang inaasahan ng bayan sa madugong pangyayari na ikinamatay ng 19 na sundalo ng ating lahi matapos makipagsagupaan sa pinagsanib na pwersa ng MILF – Moro Islamic Liberation Front at Abu Sayyaf sa bayan ng Albarca, lalawigan ng Basilan?

Hindi pa halos natutuyo ang butil ng luha na pumatak sa pisngi ng mga naulila – sumalakay na naman ang MILF sa Zamboanga Sibugay: pito ang iniulat na patay, pito ang malubhang nasugatan at isa ang nawawala.

Masyado nang matagal ang usapang pangkapayapaan. Marami nang buhay ang nasawi at bilyong piso na ang halaga ng nawasak na ari-arian.

Matigas pa rin ang paninindigan na gobyerno na lutasin ang problema sa mapayapang mga pag-uusap. Paano?

Paano magkakaroon ng mapayapang solusyon kung gobyerno lamang ang sumusunod sa kasunduan ng tigil-putukan?

Paanong matatapos ang digmaan ng Filipino laban sa kapwa Filipino kung ang grupo ng mga rebelde ay hindi nagkakaiisa – sila mismo ay watak-watak at hindi malaman ng gobyerno kung sino ang dapat pakitunguhan?

“All-out war” laban sa separatist rebels sa Mindanao ang kailangan upang matapos na ang ugaling-pang-uuto ng mga rebelde.

Kailangan ang digmaan upang makamit ang pangarap na kapayapaan.

Hindi – hindi dapat na dumanak ang dugo sa tigang na lupa at madamay ang inosenteng sibilyan.

Gusto ni PNoy na ituloy ang peace negotiations sa kabila ng kamatayan ng mga sundalo at marahas na pag-ambus at pagsalakay ng mga rebelde.

Ito ngayon ang malaking problema ng ating mga kawal sa larangan.

Walang magawa kundi sundin ang patakaran ng gobyerno – isang patakaran na nagbibigay ng bentahe sa mga rebelde.  (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply