Takot sa kulong, kelot na may kaso nagbigti

SA takot na makulong at mabulok sa bilangguan ay ninais na lamang na magpatiwakal ng 47-anyos na lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti kagabi, Oktubre 10 sa San Andres, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Rolando Baltazar, ng 2360 Rubi Street San Andres Bukid, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Charles Duran ng Manila Police District Homicide Section, nasa pagitan ng 5:30 to 6:00 kagabi nang maganap ang insidente sa loob ng silid ng biktima sa nabanggit na lugar.

Dumalo ng kanilang hearing sa Manila City Hall nitong Lunes ng umaga ang biktima kasama ng kanyang mga kamag-anak dahil sa kasong Trespass to dwelling and Malicious Mischief.

Pag-uwi ng bahay ay diretso sa kanyang kuwarto ang biktima na hindi na pinansin ng mga kamag-anak.

Ilang oras pa ay tinungo ng kapatid ng biktima na si Antonio sa kanyang silid si Baltazar pero bumulaga sa kanya ang nakabitin ng biktima.

Hinala ng pulisya na pinili na lang ng biktima na magpakamatay sa takot na makulong sa kanyang kinakaharap na mga kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply