Talamak ang carnapping, mayor at pulis inutil

TALAMAK araw-araw ang operasyon ng carnapping sa Barangay Aduas Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Walang ginagawang aksyon ang kapulisan ng Cabanatuan City laban sa talamak na operasyon ng carnapping sa nasabing bayan.

Maging si Cabanatuan City Mayor Jay Vergara ay hindi man lamang kumikilos para mabuwag ang talamak na carnapping activities sa kanyang nasasakupan.

Aba, Mayor Vergara, kumilos po kayo, huwag na ninyong hintayin pa na paghinalaan kayo ng mga Novo Ecijano na kasabwat kayo ng mga carnapper.

Hindi ko sinasabi, Mayor Vergara, na kasabwat kayo ng mga carnapper na nangangarnap ng mga sasakyan sa Cabanatuan City.

Basahin ninyo itong nilalaman ng text message ng inyong mga kababayan.

Sir Johnny, magandang tanghali  po.

Gusto ko lang ipaalam sa inyo ang talamak na carnapping dito sa Brgy. Aduas Norte, Cabanatuan City.  Noong October 9 lang ay may nakarnap na naman po. Wala pong magawang aksyon ang mga kapulisan dito.

Sir, pati ang aming alkalde na si Mayor Jay Vergara ay hindi man lamang umaaksyon para mabuwag ang talamak na operasyon ng carnapping activities dito sa Cabanatuan City.

Sir Johnny, sana ay mailathala ninyo ito sa inyong kolum.

Maraming salamat po.

Pasugalan ‘patong’ ba si PD?

Muli na namang nagsu-sulputan ang puwesto pijong mga saklang-patay nina Danny Itlog sa Imus, Noveleta, Tanza at sa high land part ng Cavite, kabilang na ang Tagaytay City.

Malakasan at hindi rin matibag-tibag ang puwesto pihong saklang-patay ni Amy sa Imus, Cavite.

Maging ang puwesto pihong saklang-patay ni Perry ay daig pa ang kabute na kung saan-saan nakikita.

Nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan si Cavite PD Supt. John Bulalacao dahil sa payola.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply