Talamak na bentahan ng drugs sa Teresa, Rizal

SA bayan ng Teresa sa lalawigan ng Rizal ay talamak daw ang bentahan ng droga o shabu pero hindi kumikilos ang kapulisan ng nasabing bayan.

Ang tanong ay bakit?

Hindi ko sinasabi na ang mga pulis sa Teresa ay  may ‘tongpats’ sa mga ibinebentang tobats ng mga  drug pusher dito.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit tila hindi kumikilos si Teresa chief of police Supt. Marcelino Pipo  para sugpuin ang parang kending ibinebenta na mga tobats o shabu sa lugar.

KABAYO ANG MAS MAHALAGA

Uy, ano ba itong nabalitaan natin na nakabili raw ng apat na kabayong pangarera si Pasay City Mayor Antonio Calixto?

Bilib naman ako sa karakas nitong si Mayor Calixto, mas gusto pa niyang pakainin ang apat na nabili niyang   imported na kabayong pangarera kaysa pakainin niya ang mga kababayan niyang mahihirap sa Pasay City.

Bukod pa roon ay bumili pa raw ng ‘farm’ sa Lipa, Batangas si mamang mayor na ito na ang naging ahente niya rito ay itong si Supt. Asayo…

Wow naman, mayor….

SI PD ANG KALADKADSA PERYAHAN

Sa Bulacan, hindi pa rin tumitigil sa pag-ooperate ng puwesto pijo na peryahan itong mag-among Lourdes Tomboy at ang sidekick niyang si Leo sa Pulilan.

Wala kasing ipinagmamalaki ang mag-amo kundi ang lakas nila at malaking ibinibigay na I.N.T. (intelihensiya) kay PD Supt. Fernando Mendez…

Totoo ba ito,  koronel?

PROSTITUTION DI MATINAG SA QC

Sa QC naman ay patuloy ang prostitution sa Metalica Disco sa Quezon Ave.

Gabi-gabi, mahigit sa 50 minor ang pinababarurot sa club na yan.

oOo

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa juandesabog@ yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply