Talamak na bentahan ng shabu sa Intramuros

SA INTRAMUROS, Maynila malakasan daw ang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga pero ang masakit nito ay tila nagbubulag-bulagan ang mga kapulisan at barangay sa nasabing lugar.

Lantaran at hindi man lamang pa-simple kung magbenta ng shabu ang mga tulak dito kaya ultimo mga kabataan at estudyante ay hayagan na nakikita ito.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo sa text message.

Sir Johnny, good morning. May gusto po akong i-report sa inyo. Mayroon po akong alam na nagbebenta ng ipinagbabawal na shabu sa Intramuros, sa Banana Island kung tawagin, malapit po sa eskuwelahan ng Letran. Marami na akong napagsumbungan, maging ang barangay kapitan sa lugar, pero walang umaaksyon kaya sa inyo ako humingi ng tulong. Sana ay mailathala ninyo itong reklamo para marinig ang aking reklamo ng mga kinauukulan.

Bentahan ng ‘damo’ parang kendi

Sa Barangay Kanluran, Rosario, Cavite ay para lang daw kendi na ibinebenta ang marijuana ng mga tulak na sina PIPOY, BADUY at MUYMUY. Pinaratangan din ng ating text tipster ang kanilang barangay kapitan na kunsintidor

Baka naman ‘tongpats’ si Chairman kaya niya kinukunsinti. Paging Chairman, kung hindi ka ‘tongpats’ bakit hindi mo hulihin ang mga tulak sa iyong barangay?

Sex trade ang kinalkal

Wow, talagang super lakas kay Pasay City Mayor Antonio Calixto itong Lapu-lapu Sauna Bath na pronta ng prostitusyon sa Buendia St., Pasay City. Biruin ninyo, kahit sex-trade ang kinakalakal sa sauna parlor ay nakapagtatakang inisyuhan pa rin ito ng permit. Magkano kaya ang ‘lagay’ ng bahay-putahan?

***

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply