Talamak na tong collection sa Maynila

MINSAN na namang napatunayan ang kasabihang “kung may tiyaga, may nilaga.”

Dahil sa wakas  ay nakuha na rin ni Sr. Supt. Alejandro Gutierrez, ang matagal na nitong pinangarap na pamunuan ang tinataguriang Manila’s Finest, ang Manila Police District (MPD).

Sabagay, wala naman yatang opisyal ng PNP ang hindi nangarap na maging District Director ng MPD.

Ngunit  ilan lang sa mga ito ang nagkakatotoo ang pangarap dahil  bukod sa pagiging kuwalipikado ay kailangang maging malakas din ang koneksiyon mo sa

kasalukuyang administrasyon.

Sabagay, matagal ko nang kilala itong si Col. Gu-tierrez, na kahit saang lugar mapunta ay napakaepektibong opisyal lalo na sa pakikisama at trabaho.

Hindi ito marunong umangal, kahit may sakit sige trabaho pa rin. Hindi niya katulad ng ibang opisyal diyan na kapag may konting nararamdaman  ay hindi na papasok at ipauubaya na lang lahat sa  kanyang deputy.

Sana po, Col. Gutierrez,  ngayong  ikaw na ang direktang may kontrol ng ating kapulisan sa Maynila ay malilinis mo o kaya ay mabawasan man lang ng kahit konti ang talamak na tong collection diyan.

Lalo na sa mga money changer sa Ermita at Malate at sa mga maliliit at kawawang mga vendor.

Bilang antigong pulis-Maynila ay alam kong alam mo kung ano ang kalakaran ng mga talamak na tong collection sa Maynila.

Alam kong mahirap mapigilan ang tong collection  sa Maynila lalo na ngayong magpa-Pasko.

Bukod dito, ang magiging mahigpit mong kalaban sa mga tong collection ay ang mga bata ni ex-Col. Franklin Gacutan, na bagyo rin ang dating kay Manila
Mayor Alfredo Lim.

Sana po, Col. Gutierrez, bukod sa tong collection ay pagtuunan ninyo rin ng pansin ang rampant na kaso ng snatching, agaw-cellphone at hold up lalo na sa mga pampasaherong jeep at FX. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply