Talangkang kaisipan kayang maiwasan (2)

MULA noon ay napasimulan rin ni Ronnie Albeus ang Bicolano Association sa Singapore at ang Filipino Catholic Community Association of Singapore.

Nang mapabilang siya sa iba’t ibang organisasyon ay maraming pintuan ng oportunidad ang nagbukas para sa kanya, hanggang sa siya ay maging bise-presidente ng Overseas Filipino Workers of Singapore.

Taong 1994 nang maging vice-president rin siya ng Filipino Association in Singapore. Kung saan higit na mas napansin ang kanyang kakayahan bilang isang lider, kung kaya’t makalipas ang apat na taon ay naging president na siya nito, magpahanggang sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng mga organisasyong ito ay naranasan niyang mapabilang sa International congress upang maging isang kinatawan kasama ang mga international leaders sa buong mundo.

Sa tagumpay na kanyang natamasa ay nagkaroon ng adhikain si Ronnie na tumulong sa kanyang mga kababayan at ibahagi sa mga ito ang mga pagpapala na kanyang natanggap.

“The organization is looking forward to help others. We do feeding program. We also reach out to those domestic helpers affected by their employment in Singapore, those not receiving salaries, molested, raped and other cases that are being handled by our labor attaché in Singapore. We organize sports tournament, search for Filipino idol and pasiklaban, to discover more talents and make them more productive while they are staying in Singapore. Through these, we discover and get them recognized, so they can maximize their talents and showcase them to the entire Singapore community,” aniya.

Tunay nga na ang pagtutulungan ay isa sa mga susi ng tagumpay.

Sa kuwento ng buhay ni Ronnie ay nakita natin na ang bawat isa ay dapat na hangarin hindi lang ang kanilang sariling tagumpay kundi pati na rin ang sa kapwa.

Sapagkat ang tagumpay ng bawat isang Pinoy ay tagumpay ng ating lahi – ang lahing Filipino!

***

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply