Talangkang kaisipan kayang maiwasan

TAYONG mga Filipino ay kilala sa ating maraming magagandang katangian subalit mayroon din tayong ilang hindi magagandang ugali, isa na rito ang pagkakaroon ng “crab mentality.”

Ang crab mentality ay isang ugali kung saan sinasabing kapag mayroon tayong kababayan na nagsisimula nang umangat sa buhay, sa halip na tulungan ay hinihila pa ito pababa upang bumagsak.

Ngunit pinatunayan ng Filipinong si Ronnie Albeus na kaya itong maiwasan. Sa pamamagitan ng kanyang organisasyon at ng iba pang OFW sa Singapore ay kanilang pinatutunayan na hindi lahat ng Pinoy ay mayroong utak-talangka.

Aking inalam ang pasimula ni Ronnie bilang isang OFW.

Bago nakarating sa Singapore ay naging isang OFW sa bansang Saudi Arabia si Ronnie, anim na taon rin siyang namalagi roon upang magbanat ng buto. Makalipas ang kanyang kontrata ay umuwi siya sa bansa upang alagaan ang amang maysakit.

Taong 1993, dumating ang isang oportunidad kay Ronnie upang makapagtrabaho sa bansang Singapore. Noong una ay nagtatrabaho siya roon bilang isang empleyado sa Sun Tech City.

“I worked as a document control manager Supervisor at the Suntech City project. Then after I complete my task, I become the company quality assurance manager. In between, I also supervise the safety management system in the company,” kwento sa akin ni Ronnie.

Napakaganda ng bansang Singapore para kay Ronnie, sapagkat ayon sa kanya ang lahat doon ay organisado, partikular sa kalinisan ng kapaligiran, hanggang sa sistema ng transportasyon.

Naging mabilis kay Ronnie ang pag-aadjust sa pamumuhay roon nang siya ay nagsimulang mapabilang sa iba’t ibang organisasyon roon. Napabilang siya sa church group kung saan ay isa siya sa mga nag-oorganisa ng mga misa na gumagamit ng lengguwaheng Filipino. (Itutuloy)

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply