Tambay na kelot binoga sa ulo

PATAY ang isang 30-anyos na lalaki matapos itong barilin ng hindi nakilalang salarin habang nakaupo sa harap ng isang bahay sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Arnold Santos, 36, walang trabaho, ng 338 Maria Payo St., Tondo, Maynila.

Ayon sa report ni SPO2 Virgo Villareal, dakong alas-12:01 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Nabatid na nakaupo lamang umano si Santos sa lugar nang lapitan siya ng di nakilalang salarin at walang habas na binaril ang una sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Ayon sa pulisya, posible umanong matagal nang alitan ang dahilan ng pamamaslang sa biktima.

Gayunman, inaalam pa rin ng pulisya ang tunay na motibo sa pamamaslang at inaalam din ang pagkakilanlan ng tumakas na salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply