Tanker na may 20 tripulante pinalaya na ng West African pirates

PINALAYA ng mga pirata ang Marshall Islands-flagged tanker na Cape Bird na mayroong 20 tripulanteng nakasakay mula sa karagatan ng Nigeria.

Batay sa report, ang nasabing tanker ay hinijack kahapon ng umaga (Biyernes, Oktubre 14) ng mga West African pirates sa kalagitnaan ng karagatan ng Nigeria.

Hindi naman naging malinaw kung nagbayad ng ransom kapalit ng kalayaan ng naturang barko.

Nabatid na ang mga tripulante ay kinabibilangan ng 12 Georgians, tatlong Russian at mayroon ding Latvians at Ukrainians.

Nauna nang inihayag ng Georgian Foreign Ministry na puspusan ang ginawa nilang negosasyon sa mga pirata.

Ayon sa manning agency ng mga tripulante ng barko, ligtas naman ang mga crew at hindi sila sinaktan, subalit ipasusuri pa rin nila ang mga tripunlante upang matiyak ang kalusugan.

Sa report, ang MT Cape Bird ay may kargang 30,000 tonelada ng langis nang haydyakin ng mga pirata.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply