Taong grasa sinuwag ng pajero, pisak

NAMATAY ang isang taong grasa makaraang suwagin ng humaharurot na Mitsubishi Pajero habang tumatawid sa Cubao, Quezon City kaninang madaling araw.

Inilarawan ang biktima na tinatayang nasa 20 hanggang 35-anyos, 5’0 ang taas, kayumanggi ang kulay, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng kulay brown na short pants at itim na gomang tsinelas.

Sumuko naman ang suspek na nakilalang si Pascual Ruel Jose, Jr. 26, drayber ng Pajero (TCC-368) at residente 34-B Malakas St. Barangay Masambong, ng lungsod.

Ayon sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, naganap ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Edsa at Aurora Boulevard, Cubao, Q.C.

Nabatid sa ulat ni SPO3 Henry Se, traffic investigator, tumatawid umano ang biktima sa naturang lugar nang mahagip ng humaharurot na sasakyan na minamaneho ni Jose.

Dahil sa matinding pinsala na inabot ng biktima ay namatay noon din ang biktima at hindi na naisugod pa sa pagamutan.

Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply