Tax evasion vs Mike Arroyo isasampa na sa DOJ

ISASAMPA na ang ang kasong tax evasion sa Deparment of Justice (DOJ) laban kay Ang Galing Pinoy Party-List Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo at asawa nitong si Angela dahil sa hindi pagbabayad ng buwis simula 2004 hanggang 2009.

Sa 28-pahinang resolusyon, nakitaan din ng DOJ ng probabale cause para sampahan ng kaso ang mag-asawa.

Gayunman, itinanggi naman ng dalawa sa kanilang counter affidavit na binalak nilang takasan ang kanilang tax obligation.

Nahaharap si Mikey sa “three counts of failure to file income tax return at three counts of failure to supply correct and accurate information” sa kanyang ITR.

Seven counts naman sa pagkabigong makapagsumite ng ITRs ang kinakaharap ng asawa nitong si Angela

Bukod dito, inatasan din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mag-asawa na magbayad ng P73.85 milyon bilang aggregate tax liabilities para sa mga hindi nabayarang buwis.

Inihanda ang resolution ng panel of prosecutotors sa pangunguna ni Senior Assiatant State Prosecutor Lagrimas Agaran at inaprubahan ni Assistant Chief State Prosecutor Miguel Gudio at Prosecutor General Claro Arellano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply