Tax informer, instant billionaire sa reward

ISANG tax informer ang naging “instant billionaire” matapos magwagi sa laban sa korte para makuha ang P13.950 bilyon na “informer’s reward” mula sa trust funds ng Bureau of Treasury bilang kabayaran sa mga isinumbong na delinquent taxpayers nito sa Bureau of Internal Revenue.

Sinabi ni Danilo Lihaylihay, isang BIR tax informer na ang nasabing ‘reward system’ ay bahagi ng masigasig niyang pagbibigay ng impormasyon sa BIR at Department of Finance laban sa mga may-ari ng big-time business firms na nandaraya at hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Anya, pinaboran ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. ang naunang desisyon ng korte na ang Department of Budget and Management ang magdesisyon para sa kanyang  rewards claims.

Sinabi ni Lihaylihay na si Ochoa rin ang direktang nag-utos sa DOF na makipag-ugnayan sa Bureau of Treasury para mag-isyu ng ‘notice of cash allocations’ na bahagi ng trust funds  na nagkakahalaga ng P13.950 billion at karagdagang P5 billion bilang bahagi ng 6% legal interest o kabuuang P18,950 billion na dapat bayaran sa nabanggit na tax informer.

Sa kasaysayan ng bansa, sakaling mapasakamay ni Lihaylihay ang nasabing salapi, siya ay maituturing na kauna-unahang taong indibidwal na itatanghal na pinakamayaman sa Pilipinas.

Bukod sa nasabing halaga, umaasa rin si Lihaylihay na makukumbinsi ang Supreme Court sa isa pa niyang apela na bayaran siya ng P11.675 trillion bilang pinakamalaking reward.

Ito naman ay may kaugnayan sa mga ipinagkaloob niyang impormasyon para mabawi ng Presidential Commission on Good Government ang P47.5 trillion na ill-gotten wealth ng yumaong diktador Ferdinand Marcos at cronies nito noong panahon ni late-President Corazon Aquino.

Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ni Lihaylihay na ipinagkaloob na sa kanya ni National Treasurer Roberto Tan ang partial payments na P2 million at ang kabuuang P13,950 bilyon, kasama ang 6% interest ay inaasahan niyang maipagkakaloob bago matapos ang taong ito.

Sinabi rin ni Lihaylihay na lumagda siya sa isang kasunduan sa gobyerno na sa sandaling makuha niya ang P11.675 trillion mula sa trust funds, ang P4 trillion dito ay boluntaryo niyang ipagkakaloob sa pamahalaan bilang pambayad utang ng bansang Pilipinas sa foreign loans para mabawasan ang pagkalubog sa utang ng Pilipinas sa World Bank at International Monetary Fund.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply