Taxi driver binoga sa Caloocan

ISANG taxi driver ang nasawi makaraang tambangan ng isang armadong lalaki sa Caloocan City.

Dead on the spot ang biktimang si Gerardo Ramos, 44, residente ng Barangay 17, Bagumbang, Caloocan City makaraang magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Sa inisyal na imbestigasyon, may kausap na dalawang lalaki ang biktima sa loob mismo ng compound ng bahay nito nang biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala ng .45 kalibreng baril.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply