Taxi nabangga ng tren sa Maynila

ISA ang nasugatan makaraang masalpok ng tren ang isang taxi na nagpumilit pang makatawid kahit tumunog na ang warning buzzer sa pagitan ng Algeciras Street at Antipolo Street sa España, Maynila kaninang umaga, Oktubre 18.

Nabatid kay Lemuel Luna, crossing keeper ng Philippine National Railways (PNR) España Station, tumunog na ang warning buzzer kung saan nasa gitna na siya ng daan upang itaas ang stop sign para sa mga sasakyan nang sumulpot ang humaharurot na NL Huliganga taxi.

Dahil dito, nabangga ang kaliwang bahagi ng taxi na mayroong dalawang sakay ngunit hindi pa rin huminto.

Nabatid pa na inabandona ng taxi driver na kinilalang si Rodrigo Tabor Jr. at taga-Barangay Patutong, Tagaytay City, ang sasakyan sa isang gasolinahan sa kanto ng Gen. E. Quintos Street at España.

Base naman sa nakasaksi, nakakita sila na may sumakay sa isa pang taxi na isang matandang babaeng dumudugo ang ilong.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply