Teachers sa Region 3 problemado sa mga nabahang libro

PROBLEMADO ngayon ang mga guro sa Rehiyon 3 makaraang malubog sa baha ang daan-daang libro bunsod ng pananalasa ng nagdaang Bagyong Pedring at Quiel.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Region 3 Director Teofila Villanueva sa panayam sa dzMM, nakatanggap sila ng ulat mula sa mga school superintendent kaugnay ng mga binahang libro partikular sa Hagonoy, Calumpit, Obando at Malolos sa Bulacan gayundin sa Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga.

Kaugnay nito, umaasa naman si Villanueva na mapapalitan agad ang naturang mga libro upang may magamit ang mga estudyante.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa mahigit P100 milyon ang pinsala ng Bagyong Pedring at Quiel sa mga paaralan sa buong bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply