Team Pacquiao tutulak sa US mamayang gabi

NAKATAKDA na mamayang gabi ang biyahe ng Team Pacquiao patungong Los Angeles, California, USA upang doon tapusin ang pagsasanay para sa nalalapit na laban kay Juan Manuel Marquez sa Nobyembre.

May kabuuang 100 round ng sparring session ang tatapusin ni pound-for-pound king Manny Pacquiao sa Wild Card Gym ni coach Freddie Roach.

Sinabi ng mahusay na coach na naging maayos naman sa kabuuan ang takbo ng training ng Pambansang Kamao sa Baguio City na tinapos kahapon (oktubre 7).

Gayunman, hindi pa rin kontento ang sikat na coach kaya naghanda siya ng matinding ensayo para kay Manny sa Wild Card Gym.

Ang Pacquiao-Marquez trilogy ay gaganapin sa Nobyembre 12 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply