Teresita ‘Ging’ Deles ipinasisibak ni Enrile

IGINIIT ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagsibak kay presidential adviser on the peace process Teresita “Ging” Deles matapos ang pagkamatay ng labing-siyam na sundalo sa kamay ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan nitong nagdaang araw.

“My God, that Deles should be fired!”pagdidiin ni Enrile.

“She’s on a peace process that she cannot handle,” dagdag ni Enrile

Nagtataka rin ang senador kung anong mayroong kaisipan si Deles para sabihing tuloy pa rin ang peace talks dahil sa ‘isolated case’ lamang daw ang pagkamatay ng 19 na sundalo ng Armed Forces of the Philippines.

“What assurance can that Deles give the nation that the peace process will go through with this kind of situation?”ayon sa senador.

Inirekomenda na lamang ng Senate President ang pagpapatigil sa peace talks sa MILF hangga’t hindi isinusuko ng liderato ng rebeldeng grupo ang kanilang miyembro na may kagagawan sa pagmasaker sa mga sundalong nagpapatrulya sa Barangay Cambug, Albarka, Basilan

Tinanggihan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglulunsad ng all-out war laban sa MILF bunsod ng pagkamatay ng 19 na sundalo sa Basilan.

Ngunit ayon naman kay Enrile, kung patuloy na magpapauto ang administrasyon sa MILF ay dapat ihanda na nila ang mas maraming sundalong mapapatay ng nasabing rebel group.

“Are we willing to be fooled by these people? Then sacrifice the lives of our soldiers?”patutsada ng senador.

“When your soldiers are being killed that means they’re conducting a warfare against the government of the Republic,”dagdag pa niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply