Terror ng mga vendor sa Divisoria inireklamo

INIREREKLAMO ng mga vendor ang isang pulis-Maynila na umanoy walang awang nangongotong sa kanila at lalong nagpapahirap sa kanilang pamumuhay.

Partikular na kinokotongan umano ng inirereklamong si PO2 Edgardo Buenaventura na nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 11 ang mga vendor sa Juan Luna at Ylaya sa Divisoria, Binondo, Maynila.

Hinihingan at kinokolektahan ni Buenaventura ng P100 kada linggo ang mga bawat vendor na halos nakikitulog na lamang sa bangketa para lamang makatipid sa kanilang pangungupahan ng kanilang mga bahay.

Bukod dito, tinatakot umano ng naturang pulis ang mga vendor na ikinababahala ng mga ito.

Kilala sa tawag na “Tura” ang isang Ricky na umanoy isang drug addict at pusher sa lugar na nagsisilbing kolektor ni Buenaventura.

 

Ito ay biyenang hilaw umano ni Buenaventura dahil kinakasama nito ang anak nito.

Iginiit din ng mga vendor kay MPD director, Chief Supt.Roberto Rongavilla, na maisailalim sa drug test si Buenaventura dahil sa impormasyon na gumagamit din ito ng ipinagbabawal na gamot.

Si Buenaventura ay dati umanong nakatalaga sa Special Operation Group (SOG) noong panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply