Ambassador Thomas humingi ng paumanhin

NAGPAABOT na ng paumanhin si U.S. ambassador to the Philippines Harry Thomas, Jr. kaugnay sa sex tourism issue na ipinayag nito kamakailan.

Ang paghingi ng paumanhin ni Thomas ay ipinadala sa pamamagitan ng mensahe kay Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario na nagsasaad na: “I am sending you a response expressing regret for my comments. I should not have used the 40 percent statistics without the ability to back it up.  I regret any
harm that I may have caused,” nakasaad sa mensahe ni Thomas.

Nauna rito ipinahayag ni Thomas na 40 percent sa mga banyagang pumupunta sa Pilipinas ay sex lamang ang hanap.

Ang paghingi ng paumanhin ay kinumpirma ni del Rosario.

Mariing kinontra ng Department of Tourism (DOT) ang pahayag noon ni Thomas na ang layunin ng mga lalaking dayuhang turista na nagtutungo sa Pilipinas ay sex.

Ayon kay Tourism spokesman at Asec. Bong Bengzon, wala itong katotohanan kung pagbabatayan ang kanilang mga pag-aaral at istadistika.

Wala pa umano silang ideya kung saan nakakuha ng impormasyon ang US envoy lalo na sa pahayag nito na umaabot sa  40 porsyento sa mga dayuhang lalaki ay sex ang hanap sa tuwing bumibisita sa Pilipinas.

Paglilinaw naman ng DOT, ang pangunahing layunin umano ng mga foreign visitors ay pagsa-shopping o 66 percent ay nagtutungo sa mga department stores at malls. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply