Tindi ng cosmetic surgeon… walang kagatla-gatla ang veteran actress

HININTAY namin nung Miyerkules ng gabi na maglabas ang Saksi ng GMA 7 ng follow up tungkol sa misteryosong pera sa bangko na di na-withdraw ni Claudine Barretto dahil may iba na raw na nakapag-withdraw nito sa loob ng 30 minutos na naghihintay si Claudine at ang lawyer n’ya sa loob ng bangko. Pero walang follow up report na ipinalabas ang programa.
Ayon sa report ni Nelson Canlas nung Martes ng gabi, joint account daw ng mag-asa-wang Claudine at Raymart Santiago ang wini-withdraw-han ni Claudine. Kahit sino sa kanila ay pwedeng mag-withdraw sa account na yon. Ang sabi raw ng teller ru’n sa bangko, na-withdraw na ang lahat ng pera sa account na yon sa loob ng 30 minuto na naghihintay sila. Na-withdraw daw sa ibang branch. Ayaw sabihin ng teller sa bang- kong pinuntahan nina Claudine at ng lawyer n’ya kung si Raymart mismo ang nagwith- draw. At kung magkano ang nawithdraw.
Bakit di gumawa ng follow up ang GMA Network? Dahil kaya pinuprotektahan ng network sina Claudine at Raymart na pareho nilang artista? Eh kung ganu’ n bakit ang lakas ng loob (o ang kapal ng mukha?) nilang i-announce gabi-gabi na wala silang kiniki- lingan, walang pinuproteksyonan, serbisyong totoo lang? Itigil na lang nila ang pagsasabi nu’n para hindi sila mahusgahan. O kaya deretsahan nilang sabihing pag artista nila ang nasasangkot sa kontrobersya, walang pakundangang puproteksyonan nila, kikilingan nila.
Ang balita nga pala sa amin ng isang kapwa entertainment reporter ay 5 million pe- sos daw yung misteryosong nawithdraw sa joint account na yon, kaya nauunawaan n’ya kung bakit nagwala sa bangko si Claudine. Magandang townhouse na, o condo unit, ang mabibili ng limang milyong piso. Unverified pa yong halagang nawithdraw hanggang ngayon dahil nga wala namang follow up report ang magaling na Kapuso network.
Pero siguro ang katwiran ng GMA news managers, di naman importanteng mga personali- dad ang mag-asawang Claudine at Raymart. Hindi naman sila sina Gloria Macapagal Arroyo at Mike Arroyo. Ni hindi nga siguro sila kasing sikat ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao. Kung totoo mang limang milyong piso ang pinagkarerahan nilang kunin sa bangko, pera naman nila yon, hindi pera ng bayan. Hindi naman payroll yon para sa public school teachers, o pang-rehabilitate sa mga nasalanta ng mga bagyong nagdaan.
Katwiran siguro ng mahuhusay na GMA news managers, wala namang mapapala ang madla kahit na mapag-alaman nilang may domestic problem ang mag-asawang Claudine at Ray- mart kaya nag-uunahan silang makuha ang pera nila sa bangko. Eh ano nga bang magi- ging impluwensya sa ekonomya ng bansa kung mapag-alaman ng madla na nanganganib ng maghiwalay sina Raymart at Claudine? Bababa ba ang presyo ng gasolina pag nakumpir- ma ng GMA news department na hiwalay na ang mag-asawa?
Wow, nakakabilib talaga ang GMA Network. Wala talaga silang kinikilingan, walang pinuproteksyonan! Walang pakialam sa madla!

***
Sino kaya ang doktor ni Susan Roces? Ang galing-galing n’ya kung sino man siya. Hawas na hawas ngayon ang mukha ng dating movie queen na maybahay din ng yumaong legendary King of Pinoy Movies na si Fernando Poe Jr. Wala siyang kagatla-gatla ni sa noo. Mukha siyang 30 o 40 years old lang uli (pero halata din naman sa boses n’ya ang edad n’ya).
Of course sa panahong ito ng conveniently available botox at iba pang techniques ng pamamalantsa ng mga pileges sa mukha, di na kailangang tanungin pa sa mga artista kung paano nila napapanatiling maganda ang kanilang mga kutis. Hindi naman sila   ang nagpapanatili nu’n, kundi ang mga doktor nila. Ang magagaling na doktor nila! At baka ni hindi na nga sila pinagbabayad ng mga doktor nila. Malaking karangalan na para sa mga beautification doctor na may kliyente silang mga sikat na artista na buong ningning na pumapayag na magpa-pictorial na kasama sila. Sapat na kabayaran na para sa kanila na maidispley sa mga klinika nila ang mga litrato nila kasama ng mga artistang kliyente nila. Ang mga nameless na lang na maraming pera ang sinisi- ngil nila nang limpak-limpak.
Hindi na siguro kumukuha ng Nursing ang mga doktor ngayon na gaya noon para makapag -trabaho sila sa abroad. Kumukuha na lang sila ng additional courses sa Dermatology para makapagretoke sila ng mga mukha at katawan ng mayayamang nilalang. Ang dami na nga raw pansamantalang nagbabalik-bayan dito sa atin para ipaplantsa sa mga doktor natin ang mga pileges nila, para patangusin ang mga pangong ilong nila, at palakihin ang mga dibdib nila. Siyempre pa, ang mas malalaki ang kita ay yung mga may kliyenteng artista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply