Tipster ng MILF pinaiimbestigahan ni PNoy

PATULOY na pinaiimbestigahan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang nagsisilbing tipster ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahilan upang malaman ng nasabing rebeldeng grupo ang galaw ng mga sundalo.

Ayon kay Pangulong Aquino,kailangang malaman niya agad kung sino ang nagta-traydor sa mga sundalo upang agad na mabigyan ng leksyon.

Pinalagan naman ng Chief Executive ang ulat na na-demoralize na ang mga kasandaluhan dahil sa engkuwentrong namagitan sa mga sundalo at rebeldeng grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan kamakailan.

Binigyang diin ni Pangulong Aquino na wala namang natutuwa sa nangyaring insidente kaya’t hindi dapat maging ugat ito ng demoralisasyon.

Kaya nga patuloy ang ginagawa ng pamahalaan na tugisin ang mga lawless elements na patuloy na nanggugulo sa iba’t ibang parte ng bansa.

“There are actually ongoing operations in Zamboanga Sibugay as we talk, hindi hihinto. Gusto kong iparating na ang estado ay handang ipagtanggol ang atin pong mga kababayan anywhere and everywhere in the Philippines and areas that we are in control of. Ginagarantiya ko po na lahat ng tutugusin ng estado ay makukuha po natin. ‘Yun naman ho sa gustong makihalo pa dito sa kaguluhan na ito, hindi ho rin kayo sasantuhin maski sino pa kayo. ‘Pag kayo po ay tumulong doon sa mga hinahabol ng estado, kasama na rin po kayo sa kumakalaban sa estado at tutugisin rin kayo,” ayon kay Aquino.

Samantala, muling nakiramay ang Pangulong Aquino sa pamilya ng mga sundalong namatay sa engkuwentro.

“Ipinaramdam ko rin po sa kanila na talagang tinatanaw natin ’yung parang pasasalamat sa sakripisyong iginawa, ‘yung tumotoo sa kanilang sinumpaang tungkulin at pangatlo, pinangako ko sa mga pamilya na meron silang katarungan pero ngayon naman mapapadama sa kanilang lahat din kung anong ibig sabihin noog pagpapasalamat ng sambayanan sa ginawang kadakilaan ng kanilang mga yumaong kamag-anak,” anito. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply