Titser: Mga tuloy-tuloy na alipin at api

ARAW ng ating mga guro ngayon. Binibigyan natin sila ng pagpupugay sa araw na inilaan sa kanila para kilalanin ang kanilang kabayanihan.

oOo

Ano-ano nga ba ang kanilang kalagayan ngayon?

Unang pumasok sa ating isipan ang mga titser sa kinder na bahagi ng programang K+12 ni DepEd Dec. Armin Luistro.

Sumasahod pa ba ang mga ito, Suki, ng P3,000 sa loob ng isang buwan?

Kung nananatili ang kanilang sahod na ganito, para silang isinumpa mismo ng DepEd. Gagawa-gawa ang DepEd ng programa pagkata-pos, eh, ang mga guro ang alipin nilang tagapagpatupad ng mga ito?

oOo

Isa pa sa ating naiisip ang pagtrato sa kanila ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan gaya ng mga Local Government Unit at ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Marami sa mga pampublikong titser ang dis-kuwlipayd na umutang o magpensyon makaraan silang magretiro.

Yun pala, hindi nire-remit ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kinakaltas sa kanila na premium.

Hanggang ngayon, bilyon-bilyong piso ang nasa bulsa ng mga korap at napipilitan tuloy ang gobyerno ni PNoy na hulugan ang mga ito.

oOo

Ngayong tag-bagyo at tag-baha, nadidiskaril ang kanilang pag-aalaga at pagtuturo sa mga bata.

Kung hindi lumulubog ang kanilang mga eskuwelahan, ginagawa namang mga ebakwesyon center.

Alam ba ninyo ang nagaganap pagkatapos?

Nauubos ang kanilang sahod sa kagagastos sa paglilinis ng mga iskul.

Nagmumukha silang mga basurero at basurera ng kung ilang araw.

At kapag oki na sila sa pagtuturo, maging chalk na gamit nila sa pagtuturo ay sila pa ang bumibili.

Kawawa ang mga pinakadakilang propesyonal sa mundo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply