Titulado nga pero mga magnanakaw naman sa kabang bayan ng pamahalaan!

NATUPAD ang kahilingan ni Senator Lito Lapid na pahintulutan siyang gumamit ng wikang Filipino sa pagdinig ng kontrobersiyal na isyu ng RH (Reproductive Health) Bill sa Mataas na Kapulungan. Nauna nang ipinahayag ng dating action star ang kawalan niya ng kakayahang makipagtalastasan sa Ingles, partikular ang aniya’y malalim na pakikipagdiskusyon ng kanyang kabarong si Senator Miriam Defensor-Santiago gamit ang Ingles.

If only for Sen. Lapid’s admission of his inadequacy ay saludo kami sa kanya. Language barrier ang kanyang iniisyu, pero pagdating sa kanyang pananaw sa RH Bill ay kinakitaan din siya ng punto kung bakit tutol siya, among others, sa paggamit ng contraceptives upang maipatupad ng pamahalaan ang wastong family planning.

Inilarawan mismo ni Sen. Lapid ang kanyang personal na karanasan, ang misis niyang gumamit daw noon ng contraceptives ay nagsilang ng blue baby.

At the onset, sinabihan na raw sila ng doktor na maselan ang magiging kalagayan ng bata who was prone to a life-threatening heart disease.

But if it was any consolation, pagsapit daw ng katorse anyos ng kanilang anak ay ligtas na ito sa anumang panganib. Too bad, the senator’s child did not live to celebrate his 14th year dahil siyam na taong gulang pa lang daw ito nang atakihin sa puso that resulted in his death.

Isolated case man sigurong masasabi ang kaso ni Sen. Lapid compared to the cases of national scope (base sa datos ng mga mambabatas na nagsusulong sa RH Bill), isang boses ‘yon mula sa isang senador na aminadong hirap sa Ingles ang dapat pakinggan at timbangin.

Huwag na sa isyung dapat bang isabatas o hindi ang RH Bill, mas hinahangaan namin si Sen. Lapid sa kanyang walang-kaipokrituhang pag-amin na bopol siya sa pag-i-Ingles, kaysa naman sa maraming mambabatas diyan na marunong nga, titulado pang naturingan, pero mga magnanakaw naman sa kabang-yaman ng pamahalaan!

XXXX

COLLECTIVELY, talent managers (in no particular order) Leo Dominguez, Popoy Caritativo and Perry Lansigan do not form a group, although in their respective stables are the country’s topnotch artists: from Ogie Alcasid (alaga ni Leo) to Dingdong Dantes (alaga ni Perry) to Marian Rivera (alaga ni Popoy).

Separately discharging their managerial functions though, iisa ang tingin ng karamihan sa mga TV and print media sa tatlong ito as though they have banded together bilang mga manager na napakahirap kausap pagdating sa kani-kanilang mga alaga.

Sakit ng ulo kung ilarawan ng mga naturang media outlets ang pakikipag-usap kina Leo, Popoy at Perry who give the poor press pursuers the run-arounds. Pero kapag sila naman daw ang nangangailangan para i-promote ang mga projects ng kanilang mga alaga, ipinalalabas pa ng mga ito na obligasyon ng media ang pagbigyan sila.

Tuloy, hindi maiwasan ng press na manghinayang sa pagkawala ng itinuturing nitong manager of all managers na si Douglas Quijano.

Si Kuya Dougs—as we used to call him—was the ideal peg sa larangan ng artist management, na kahit pa ang kabaro’t kakontemporaryo niyang si Lolit Solis would get an informal seminar on how to manage her wards well.

Nakalulungkot na ang mga bagong sulpot na manager—the likes of LPP (Leo, Popoy and Perry)—have dismally failed to take a cue from Kuya Douglas. In the face of mounting complaints against this trio, sana’y dalawin sila sa pagtulog ni Douglas dalaw lang, not necessarily bangungutin sila! para usigin ang palpak nilang pamamahala sa career ng kanilang mga alaga.

If the press has seen stars come and go, puwede ring mangyari ‘yon sa mga manager. And what a homonym na may relasyon pa rin kay Kuya “DOUGS,” to the DOGS rin ang kauuwian ng managerial career ng tatlong hitad na masyadong nagmamagaling.

Who possess what is aptly called Delusion Of Greatness…ay, DOG din pala ang abbreviation nito!


loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply