Tiyempong-tiyempo ang apela ng DENR

TAMA lang at napapanahon ang panawagan ni Department of Environment and Natural Resources Sec. Ramon Paje na protektahan ang mga tamaraw na tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan.

Ang panawagan ng kalihim ay bilang tugon sa pangamba ni Rodel Boyles, officer-incharge ng Tamaraw Conservation Program sa Mindoro na lalo pa raw na nababawasan ang populasyon ng endangered tamaraw.

Ang pinakamalaking endemic mammal sa Pilipinas kung patuloy itong babalewalain.

Inamin mismo ni Boyles na ngayong Oktubre ay nahihirapan silang protektahan ang mga wild water buffalo na tanging dito lamang sa ating bansa matatagpuan.

Ayon kay Boyles, ang bilang ngayong taon ng tamaraw sa Occidental Mindoro ay 274 na lamang gayung noong 2010 ay 314 tamaraw pa ang nakita ng kanyang grupo.

Dahil sa nasabing usapin,  inirekomenda ni Sec. Paje ang pagprotekta sa mga kagubatan at grassland ng Mindoro na siyang tirahan lang ng mga tamaraw sa bansa.

oOo

Puspusan din ang pagkilos ng liderato ni Sec. Paje para ikandado ang mga sawmill na iligal na nag-ooperate.

Patunay rito ang pagkakasamsam ng DENR sa P2.4 milyong halaga ng lauan logs at iba pang wood products mula sa isang sawmill sa Monkayo, Compostela Valley kamakailan lamang.

Ang nasabing troso ay nagmula sa pinasarang Royal Wood Enterprises Sawmill.

Nag-expire ang permit noong pang Hulyo pero nadiskubre ni Sec. Paje at  mga local official sa Monkayo na patuloy ang operasyon nito.

PROSTITUTION SA PASAY MATIBAY

Wala pa ring tigil ang o-perasyon ng prostitution sa Lapu-Lapu Sauna Bath sa lugar ni Pasay City Mayor Antonino Calixto.

Kilos Mayor Calixto.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply